random thoughts...

Tuesday, May 09, 2006

pano nakakapasok yung uod sa loob ng prutas? nasa gitna pa talaga ng buto nung malaking bayabas na kinakain ko kanina. wala namang butas na dinaanan. ano yun, bigla na lang nabuhay so loob ng prutas? pano? pano kaya sya nakahinga dun sa loob at pano nya nakain yung nakapaligid sa kanya habang lumalaki sya? san galing ang uod? lech! ba't di 'to tinuro sa kin nung highschool ako. may dalawang tipo raw ng tao sa mundo, yung mga mahihilig sa chocolate at yung vanilla yung gusto. parang bigla kong naisip kung rocky road or double dutch. uhmmm... hirap naman. sabi naman nung isang nabasa ko nahahahati raw sa mga farters and liars. hmmm... minsan lang ako magsinungaling. yung totoong kaibigan daw ay yung "person who walks in when all the world walk out." lech! hirap naman maging totoong kaibigan. kung nabuhay kaya ako nung kapanahunan ni Jesus maniniwala kaya ako sa kanya? ngayon pa nga lang andami ko nang di pinaniniwalaan eh. hmmm... kaya siguro ngayon lang ako pinanganak. nandito si mariel kanina, nakakatuwa yung mga guys, antahimik. kantiyawan naman nung umalis na. bungisngis pala talaga yun kahit sa personal. akala ko para sa tv lang yung pagka-kenkoy nya.

earn money with your site: Google Adsense

0 Comments:

Post a Comment

<< Home