started the day early, had to meet beej and mem in UN station (lrt) since i didn't know how to go to the hotel (didn't even know the name of the hotel). nalito pa talaga ako since meeting place was jollibee and there were two jollibees pala sa intersection na 'yon. when we got to the hotel, we saw dionne, naka-makeup na, mukhang excited :D
syempre wala akong makausap sa room since karamihan dun dionne's relatives and friends, lipat ako sa kabilang room where obeng was. waaaahhh... muntik pa talaga akong maiyak nung una ko syang nakita (teka, senti moment din pala sa jollibee 'coz they played "return to pooh corner," that song reminds me of college days *sniff,sniff*). ayun, tambay ako sa kwarto ni jovs. his brothers were there, pinakilala nya at wala ata akong natandaang pangalan (later na-gets ko rin naman kung sino yung sino.)
ayun, makeup tapos dumating na si benj (best man at ride namin papuntang church *thanks uli*) tapos bihis tapos puntang church. ayun, walk down the aisle (hmmm... mali ang term pero pwede na) with my then untested high-heeled shoes (buti na lang may makakapitan *thanks andrew*). ok naman yung shoes... kailangan ko lang maglakad na parang bata (baby steps) para walang blisters at di ako sumemplang. thank God i wore stockings, kahit na di sya fashionably okay at least di ako nagkablisters. pero i still woke up in the middle of the night with my whole left (or right) leg hurting like hell due to cramps. tsk tsk tsk... di kasi sanay. 
teka, ano ba yan, napunta sa sapatos, balik sa kasal... i was about to cry again when i saw dionne na nangingilid na ang luha while walking down the aisle so what i did was take pictures of her sisters na umiiyak at that moment. ayun, natawa na ako *bad corin*. walang retouch ang makeup so di pwede ang iyak-iyak, oily na nga yung face ko at that time, ampangit pa lalo kung kumalat ang makeup.

ayun, sweet... (sila jovs at dionne) di ko nga lang masyadong naintindihan yung mass at homily (sound system or tenga ko ang may sira), buti na lang may misalette(?), dun ko lang nalalaman kung asang part na (at minsan di ko pa rin talaga alam) at kung kailangan ko na bang pumunta sa harap para ilagay/alisin yung cord (yey, di ako sumemplang) :)
reception... ayun, same table with dionne's barkada. buti na lang andun sina benj at beej. medyo OP pero nakikitawa na rin (pathetic!) hehehe... di ko pa rin nahahasa ang aking people skills. masaya naman, sanay naman akong tagapakinig lang. sal was there! got to see my favorite group of people na matagal ko nang di nakikita :D tapos ayun, kuha-kuha ng pictures with tseri (feeling photographers kami kahit na puro madidilim yung shots ko). di ko man lang nakunan ng picture yung nagkiss si benj at beej in front of everyone (wahahahaha!) kasi ang bano ng delay time ng camera ko. nga pala, todo pda ang mga tao dun ah... OP ako! :P
went home early (relatively) kasi nakisabay lang ako kina ry. ayun, wento-wento with his mom. nakakamiss :)
o sya, tapos na ang recount.
congrats uli joven and dionne! best wishes! :)


4 Comments:
"nagkiss si benj at beej in front of everyone" -- where's your proof? ;)
By
benj, at Wednesday, June 14, 2006 5:05:00 PM
wahahaha... hintayin na lang natin yung video :D tapos up sa youtube... pwede!
By
corina, at Wednesday, June 14, 2006 5:12:00 PM
haha! parehong may delay yung mga cam natin noh! sayang! hehe!
mas maayos pa nga yung mga pics na nakuha mo. ako maliwanag pero blurred naman. huhuh...
By
tseri, at Monday, June 19, 2006 4:06:00 PM
hi tse! hehe... kung alam mo lang kung gano karami ang diniscard kong shots :D wa epek yung flash ko (hehe, di lang talaga ako marunong). may nagsabi nga na dapat daw nirecord ko na lang kaso nakalimutan ko kung pano :D
By
corina, at Thursday, June 22, 2006 9:55:00 AM
Post a Comment
<< Home